August 18, 2010

Pirated

Naranasan mo nabang ma involve sa isang front act na relationship? Yung tipong pampaganda ng facebook?? Walang direct commitment, "no strings attached" kumbaga. Ako? Oo. Ano feeling? Sa una masaya. Kase parang may partner ka and at the same time you're free to seek other's company without being nagged by anyone. Para kang isang kalapati na kahit may nag ma-may-ari sayo e hinahayaan ka pa ding lumipad ng malaya kase sure ka naman na may babalikan ka.

Hindi din sya yung tipong relasyon na obligatory. Kasi nga "NSA". Committed ka na hinde.

Magulo.

Kasing gulo na mararamdaman mo paglipas ng mga panahon.

Sa una makakaramdam ka ng obsession, followed by possessiveness, tapos papasok na yung magdedemand ka ng karagdagang oras, panahon, atensyon, lahat lahat na. Di magtatagal ma-re-realize mo na mas gusto mo pala nang mas seryosong ugnayan kase andyan na yung matututunan mo nang mahalin yung taong pinaglalaanan mo nang sarili mo. Sino ba naman ang ayaw masuklian ng tamang pagmamahal di ba.

Ang mahirap lang dun, kahit gaano mo kagustong sabihin ang mga demands mo, bigla na lang mag si-sink-in sa utak mo ang mapait na katotohanang FRONT ACT lang kayo.

Parang nakakaloko lang e nu. Pero syempre imbis na sabihin mo ang totoo, mas pipiliin mo na lamang na itago yun dahil ayaw mong i-risk na mawala ang taong mahal mo. Walang kasiguraduhan ang pagtatapat ng nararamdaman, kaya zip your mouth nalang. Sabi ko nga date "follow the flow", tapos naging "follow your heart", tas nanaig yung "follow your brain".

Hay buhay nga naman. Para lang akong nakipag laro, supposedly wala namang dapat manalo o matalo, pero sa kaso ko, talong talo ako.

Nagbigay kase ako ng higit sa inaasahan. Nag expect ako (which is hindi ko naiwasan), kahit once in a blue moon lang sya magtex, nako, daig ko pa nanalo ng loto pag nakaresib ako ng tex nya na may nilalamang 'musta'. ni wala pa ngang punctuation mark pag minsan pero nuknukan na ko ng tuwa.

O tapos ano na, edi wala na.

Hindi na daw kasi sya masaya. E ako? Mukha ba akong nagagalak? Masaya ba ang di ka makatulog ng maaga kakaisip lang ng mga bagay na na-ka-ka-confuse regarding your relationship? Yung tipong alas syete palang ng gabe nakahilata ka na, pero aantukin ka ng bandang ala una ng madaling araw tas pag minalas ay tatamaan pa ng putakteng insomnia? Na-ka-ka-stress, na-ka-ka-high-blood, na-ka-ka-baba ng self-esteem. I tried to be good enough para ma-realize man lang nya na siguro it is now time to take it to the next level. Pero imbis na lumevel up, biglang game over. Napaka unexpected.

Biglaan lang nung naging kame, hindi ko inakalang biglaan ding kaming mag-tatapos.

Huling habilin nya, salamat daw sa lahat at sa pag salo ko sa kanya nung mga panahong iniwan sya. Tas naisip ko, e pano ako ngayon? Sana man lang may sumalo din saken ngayong iniwan na nya ko gaya ng pagsalo ko sa kanya nung sya ang iniwan.

Alam naman pala nya ang pakiramdam nang iniiwan e, e bakit nagawa nyang iparamdam sakin yon?

At the end of the day, wala akong karapatang magalit, isumpa sya, file charges against him, at higit sa lahat masaktan (tanging comatose lang ata ang hindi makakramdam nito).

Pardon, act of forgiveness yan. Pero ang ma-i-ga-grant ko lang sa ngayon ay ang Amnesty, the Act of Forgetfulness.

Nakakatuwang experience. Ang sarap ibaon sa limot.
Masakit na sa ulo, masakit pa sa puso.

Anyway, God is in control. Ipagpatuloy ang kasiyahan, kahit front-act lang.

"di maganda ang magbigay ng sobra-sobra. dahil lahat ng umaapaw, nasasayang!" -nabasa ko sa wall ni karl.

8/18/10

1 comment: