ewan ko ba. sabi nila di daw tayo talo. e sabi ko naman pwedi pa rin tayo. sa tinagal tagal ng panahon na pinagkakatiwalaan ko ang mga itinutring ko nang mga kapatid na kaibigan, ngayon pa lang ata ako hindi makikinig sa mga payo at opinyon nila. kase siguro, kung date na co-convince nila ako sa mga advices nila dahil sa dikta ng utak, ngayon kase iba e. ang hirap palang diktahan ng puso.
e ano nga ba kase pinagtatalunan namen? walang iba kundi ikaw. ikaw na kabiyak ngayon ng aking puso. ikaw na pinaglalaanan ko ng halos buong oras na trabahong pagiisip ng utak ko. ikaw na halos ikinabubulag ng mga mata ko kapag hindi ko nakikita. ewan ko ba sayo. occupied na occupied ang balintataw ko ng mga sandaling kasama ka. though hindi tayo ganun ka affectionate, ramdam ko naman yung tinatawag nilang something or spark between us. yun nga lang, di ako ganun ka sure kung pareho nga ba tayo ng nararamdaman, at gayun din ang iniisip ng mga matalik kong kaibigan.
na-co-confuse ako. pero ayoko ng ganon. ayokong pagdudahan ka e, pero di ko maiwasan pag minsan. minsan nga pag ako mag isa tinatanong ko sarili ko kung ano ka ba kase talaga. tinanong na kita date, sabi mo hindi ka ganun. pero kase binibigyan mo ako ng rason para hindi ka paniwalaan pag minsan. pero syempre dahil mahal kita, nananaig pa rin yung kagustuhan ko na sana mali nga ang iniisip ko at namin ukol sayo.
alam mo, hindi ito ang uri ng issue na pinaglalaanan ng sobrang atensyon at hindi gaanong seryoso kapag pinaguusapan namen. pag minsan nga kinukwento ko sa kanila yung "tayo", tas bigla nalang silang matatawa. ako din di ko maiwasang di sumabay sa mga halakhak nila, pero that doesn't mean na naniniwala na ako sa kanila at bumababa ang pagtingin ko sayo bilang lalake.
dalawang beses ko nang napagdaanan ang gantong sitwasyon sa mga relasyong kagaya ng atin. pero iba kase yung ngayon. kung date okay lang saken yung mga bagay na kung tutuusin ay hindi ko dapat hinahayaang mangyare, ngayon, ayoko nang mangyari ulit yon. nung nawala sila, sabi ko okay lang. pero sana naman, wag na ikaw. tama na yung sila, wag lang ikaw. kase di ko na alam kung itutuloy ko na ang pag consult sa psychiatrist at pagenroll ko sa mental pag tuluyan mong sinabi saken na "sorry, di pala ikaw ang mahal ko, di pala mga kagaya mo." ;C
(ito ang unang post ko na lam ko hindi makakaride ang kung sino lang. hay. :)
palabas lang ng sama ng loob. :)
No comments:
Post a Comment